Thursday, 1 April 2021

Biyernes Santo 2021

 


Biyernes Santo –ito ang araw na ginugunita ng mga Katoliko ang pagpapakasakit ni Hesus hanggang Siya ay ipinako sa krus at namatay upang iligtas ang sanlibutan sa kasalanan. Ito ang araw na sinasabing walang misa. Ngunit sa totoo, ang liturhiya sa hapon ng Biyernes Santo ay BAHAGI ng Triduo na nagsimula noong Huwebes Santo kung kayat dapat na mula Huwebes Santo hanggang sa Sabado de Gloria ang mga Katoliko ay sumali sa pagdiriwang sa Simbahan sa loob ng tatlong araw. 


Ang via crucis at prusisyon ay iilan sa gawain sa Simbahan sa araw na ito upang ipaalaala sa mga tao ang pagpapasakit ni Hesus at ang pagpako sa Kanya sa krus hanggang Siya ay namatay at ililibing. Sa kadahilanang nasa New Normal ang lahat ngayon, hindi lahat ng Katoliko ay makakapagbahagi o makasali sa mga idinaraos sa Simbahan. 


Subalit maaaring ang mga may “caro” (andas) ay ipalabas nila sa kanilang mga bahay o sa bahagi ng bahay na makikita ng mga taong maaring tumigil ng sandali at magdasal. Maaari din naman puntahan ng mga pari ang mga “caro” upang basbasan ito. Caveat: Hindi inilalabas ang mga “caro” na para bang sumasali sa isang paligsahan sapagkat ang mga ito ay “sagrado” na humihimok sa mga tao na magnilay-nilay at magdasal. Hindi ginagamit ang mga bagay na banal sa makamundong paraan. 


Kung wala namang “caro”, maaaring gumawa ng krus o maglagay ng tarpaulin sa labas ng bahay upang ipahayag na ang nakatira sa bahay na iyon ay taimtim na sinasariwa ang pagpapasakit ni Hesus upang tubusin ang sanlibutan.

No comments:

Post a Comment