Saturday, 27 February 2021

On the 150th year of St. Joseph as the Patron of the Universal Church

 


Little do we know about St. Joseph from the Bible. But we can make use of this little knowledge that we have of him in recovering his character. In the Gospel of Matthew (1:18-24), it is said that Mary and Joseph were engaged. Joseph chose Mary to be his wife. Yet in this same Gospel, it is said that God has chosen Mary to be the mother of His son (Jesus Christ). Joseph then upon realizing that Mary was chosen and called to be the mother of Jesus, he decided to let go of Mary. He would protect Mary even from himself. He could not afford to take Mary as his wife when he knew very well that she was consecrated by God, and dedicated to God. He had a plan but he gave it up because of God’s plan for Mary. It was on this moment that an angel appeared to him in a dream. He was told to take Mary as his wife. St. Joseph’s plan to marry Mary was confirmed that such was also part of God’s plan. And aside from this, he was chosen to give a name to the son of God –Jesus. In the Bible, we can notice that Judaism placed great importance in giving a name. The first mention of naming is in Genesis 2 when God brought the animals to the man to see what he would call them. Whatever the man called each of them would be its name. Here the act of giving names is an exercise of power or dominion. At the same time, God made Eve, and the man said, “This one shall be called woman, for this one has been taken out of “her man”. In giving the woman her name, the man exercises his power or dominion over her. But this power or dominion is not that kind which a master exercises over his slaves. Rather, the woman put herself under her man, to place herself in a lower position to receive the care and protection of her husband. Now, going back to St. Joseph, his act of giving name to Jesus was an exercise of power or dominion. But such power or dominion is not that kind which a master exercises over his slaves. Rather, such power or dominion means to put the other under one’s care and protection. It means St. Joseph has to take care and protect the child Jesus. St. Joseph was not called to protect only Mary but also Jesus –the son of God. In the last scene where Joseph was mentioned in the Bible, particularly in Luke 2: 49-52, St. Joseph fulfilled what was expected of him. Jesus was twelve years old then, when Joseph and Mary brought him to Jerusalem for the Festival of Passover. (While Joseph and Mary were returning home, Jesus stayed behind in Jerusalem. After three days of looking for him, Joseph and Mary found Jesus in the temple courts.  His mother said to him, “Son, why have you treated us like this? Your father and I have been anxiously searching for you.” Why were you searching for me?” he asked. “Didn’t you know I had to be in my Father’s house?” Here Jesus revealed his essence.) This particular Bible passage prepared its conclusion with, “And he went down with them, and came to Nazareth, and was subject unto them.” This reveals that Jesus was under the care and protection of St. Joseph and Mary. St. Joseph took care and protected Jesus as a real father so much so that Jesus was known in Nazareth as the son of the carpenter, the son of Joseph. St. Joseph took care and protected Mary by making himself available as her husband so as not to leave Mary alone as an unwed mother. St. Joseph took care and protected both Mary and Jesus by living together as a family. If St. Joseph could do this to his family, he could also do it for the good of our own families. And today, we say St. Joseph is the protector of our family.

"St. Joseph, protect our home.  Pour forth heaven's blessing on our family.  Remain in our midst.  Help us to live in love and harmony, in peace and joy.  May the wholesome fear of God strengthen us that virtue may adorn what we do and our way may lead to heaven.

"To you this day I give the key to our dwelling place.  Lock out all things that could do us harm.  Lock my home and my loved ones with me in the hearts of Jesus and Mary.  This I beg of you that our days may be like your days in the holy home at Nazareth.  Amen."

2nd Sunday of Lent

 


Noong nakaraang Linggo, naipinaliwanag na natin na ang “Kwaresma” ay tumutukoy sa apatnapung araw na paghahanda para sa Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus. Bilang mga Katoliko, ang apatnapung araw ay ginugugol natin sa pag-iwas sa mga tukso at pagpipigil sa ating sarili na gumawa ng kasalanan. Bilang tao, mahirap ang lumayo sa tukso at iwasan ang magkasala. Ngunit lingid sa kaalaman ng karamihan, may mas mahirap pa sa kalagayan ng isang taong nais umiwas sa kasalanan.

Paano ito masasabi? Sapagkat ang taong umiiwas na magkasala ay walang ibang dapat gawin kundi ang huwag gawin ang isang masama. Tulad na lamang ng isang nangangaliwang asawa, kung hindi siya maghahanap ng ibang babae o lalake, eh hindi siya magkakasala. Alam niyang masama ang pangangalunya at kailangan lang na hindi niya gagawin ito. Kung ihahambing natin ang kalagayang ito sa kalagayan ng isang taong iniisip na “hindi naman masama” ang kanyang ginagawa, kay dali ang umiwas sa tukso na huwag gumawa ng masama. Pero ang taong may buong akala na walang masama sa kanyang ginagawa ay hindi niya namamalayan na siya pala ay nagkakasala na.

Upang maunawaan ang pagkasabi nito, masdan natin ang nakasaad sa Banal na Kasulatan (Marcos 9:2-10). Nakita nila Pedro sina Moises at Elias na nakikipag-usap kay Hesus. Sa mga oras ding iyon, sinabi ni Pedro kay Hesus, “Guro, mabuti pa’y dumito na tayo. Gagawa po kami ng tatlong kubol: isa sa inyo, isa kay Moises at isa kay Elias.” Walang masama sa sinabi ni Pedro. Hindi kasalanan ang gumawa ng kubol para sa tatlo. Ganun pa man, bigla na lamang na may nagsalita mula sa langit at ang sabi, “Ito ang minamahal kong Ana. Pakinggan ninyo Siya!” Dito isinasalarawan na hindi masama ang gumawa ng hindi masama ngunit kailangan pagnilayan muna ang mga ito bago gawin kung ito nga ba ay kalooban ng Diyos na dapat gawin. Gaya na lamang sa mga nagsasabing hindi naman masama ang maniwala sa albularyo. Hindi nga masama pero kalooban ba ng Diyos na paniwalaan ang gawain ng isang albularyo? Hindi nga masama ang magbigay-alay sa nuno sa punso, pero ayon ba sa kalooban ng Diyos na paniwalaan ang ganito? Hindi masama ang magbigay sa mga batang kalye na humihingi ng pera sa mga dumadaang sasakyan, pero naaayon ba sa kalooban ng Diyos ang pagbigay sa kanila sa panahong iyon at sa ganoong pamamaraan?

Ngayon, tanungin natin ang ating sarili kung tayo ba ay gumagawa ng hindi naman masama, ipinagdadarasal ba muna natin na ang ating gagawin ay naaayon sa kalooban ng Diyos? Kaya sa panahon ngayon ng Kwaresma, ihanda natin ang ating sarili na makinig kay Hesus sa pamamagitan ng pagninilay sa mga palatandaan ng panahon. Hindi lang marapat ang gumawa ng mabuti ngayon Kwaresma, kundi kailangan gawin ito ayon sa kalooban ng Diyos, sa tamang panahon, sa tamang lugar at sa tamang pamamaraan. Amen.

Wednesday, 24 February 2021

Why Banga is so Beautiful?

 


In preparing for and celebrating the fifth centenary of Christianity in the Philippines, the Parish of Banga in Aklan through its team ministry headed by Msgr. Frederick G. Malacas, launched the “VISITA” of St. Joseph, the spouse of the Blessed Virgin Mary, the patron saint of the parish to all the chapels under its territorial jurisdiction. This is also timely done to mark the occasion of the 150th anniversary of the declaration of St. Joseph as Patron of the Universal Church.

With the proclamation of Pope Francis of the “Year of St. Joseph” from December 8, 2020 to December 8, 2021, it is but proper for the faithful of Banga to know that the devotion and dedication of Banga to St. Joseph began in 1581.

In the book “Conquistas de las Islas Filipinas” by Gaspar de San Agustin, OSA., one may read this:

“Recibiose el convento de Aclan, encomienda de Antonio Flores en la provincia de Panay, con la advocacion de San Juan Bautista. Tiene seis visitas muy grandes y pobladas: cuatro en la tierra adentro y dos en el rio, que es muy caudaloso. Llamanse las cuatro primeras: San Jose de Banga, San Pedro de Polo, Santa Catalina de Hinsonogan y San Nicolas de Tolentino de Anangui. Las dos del rio son: Santo Tomas de Villanueva de Macato y San Ignacio Martir de Tangalan. Fue Aclan antiguamente tan grande que el solo tuvo mil tributarios, y por esto se llama el pueblo Calibo, que significa mil, porque el nombre de Aclan es del rio. Fue el primer ministro que se puso en Aclan el P. Fr. Andres de Ibarra.”

Jorde’s work confirmed that Fr. Andres Ibarra started his mission in 1581:

IBARRA (Fr. Andres) …Destinado en 1581 a la conquista espiritual de Aclan (Panay), consagrose con ardiente celo a la conversion de aquellos naturales, encaminando a este santo fin todos sus esfuerzos hasta lograr la sumision y obediencia de aquel pueblo salvaje.

With this account, it may be said that BANGA has the oldest devotion to St. Joseph at least in Aklan which started in a chapel until a parish was erected. Among the six chapels mentioned under the Parish of Kalibo, only BANGA did not change its patron saint when its chapel was elevated into a parish. (Unless if it can be verified that Hinsonogan is what is now called Libacao). Makato is now dedicated to the Sto. Niño and Tangalan has St. John Nepomucene as its patron saint. With regard to the remaining chapels (Polo and Anangui), the researcher has no knowledge and information about them. What matters most for the researcher is that the faithful of Banga should be proud of their religious-historical devotion to St. Joseph. The celebration of the feast of St. Joseph is not only a religious event but also an intangible cultural heritage.

Sources:

Perez, Elviro Jorde, OSA, (1901) “Catalogo Bio-Bibliografico De Los Religiosos Agustinos De La Provincia Del Santisimo Nombre de Jesus De Las Islas Filipinas Desde Fundacion Hasta Nuestros Dias”, Establecimiento Tipografico del Colegio de Sto. Tomas

San Agustin, Gaspar de, OSA, (1698) “Conquistas de las Islas Filipinas 1565-1615”, ed. Pedro G. Galende, Manila: San Agustin Museum

Friday, 19 February 2021

1st Sunday of Lent 2021


 

Ang “Kwaresma” ay tumutukoy sa apatnapung araw na paghahanda para sa Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus. Bilang mga Katoliko, ang apatnapung araw ay ginugugol natin sa pag-iwas sa mga tukso at pagpipigil sa ating sarili na gumawa ng kasalanan. Bilang tao, mahirap ang lumayo sa tukso. Lahat ay nagkakasala. Ngunit hindi ito dahilan upang talikuran ang anyaya ni Hesus na sundan ang yapak Niya. Kahit na si Hesus ay Anak ng Diyos, ipinamalas Niya sa atin na kahit Siya ay hindi pinalampas ng tukso (Marcos 1:12-15).

Sa Unang Linggo ng Kwaresma, ipinakilala sa atin si Hesus hindi bilang isang Anak ng Diyos kundi bilang kalaban ng tukso at kasalanan na siya namang gawain ni satanas. Si satanas ay totoo at hindi kathang-isip lamang. Hinihikayat niya ang isang tao na gumawa ng kasalanan sa pamamagitan ng isang tukso. Ang tukso ay hindi isang kasalanan ngunit ang pagkahulog sa tukso ng isang tao, doon na siya nagkakasala. Walang magkakasala kung walang tukso. Walang tukso kung wala si satanas. Ngunit mayroong satanas! Hindi natin makakayang gapiin si satanas bilang isang tao dahil sa ating kahinaan. Kaya marapat lamang na tawagin natin ang makakatalo kay satanas upang tulungan tayong ilayo sa tukso at Siya ay walang iba kundi si Hesus. Si Hesus ay tinukso ni satanas ngunit hindi Siya nagkasala. Si Hesus ang Siyang tagapagligtas natin laban kay satanas.

Subalit bilang tao, kahit anong iwas ang gawin natin sa mga tuksong dumarating, may pagkakataon na nagkakasala tayo. At sa mga pagkakataong nahuhulog tayo sa kasalanan, natutuwa si satanas sa kanyang panalo. Pero bilang Katoliko, hindi tayo nawawalan ng pag-asa na umahon sa pagkakasala. Si Hesus na mismo ang nagbigay sa atin ng daan upang mapapatawad ang ating pagkakasala. Sa pamamagitan ng Sakramento ng Pangungumpisal, hindi na tayo malulugmok pa sa pagkakasala. At sa tuwing tayo ay nangungumpisal, unti-unting nawalan ng saysay ang pagkapanalo ni satanas sapagkat tayo ay naiahon na ni Hesus sa ating pagkakasala. Ngunit si satanas ay gaganti. Babalik at babalik siya na nagpapadala ng maraming tukso upang sa bandang huli mapasakanya ang mga taong nagkasala at namuhay na sa kasalanan. Ang pinakamadaling tukso na nagagawa ni satanas ay ang sabihin sa tao na di kailangan ng tao ang Sakramento ng Pangungumpisal. Pero, ano ang dapat gawin ng tao pagkatapos niyang mahulog sa kasalanan kung hindi kinakailangan ang pangungumpisal? Masdan niyo po ang taong hindi na nangungumpisal, hindi na sila pinapadalhan ng tukso ni satanas kundi sila na ang kusang humahanap at lumalapit sa tukso hanggang sa bumulagta na lang sila sa dinami-daming kasalanang nagawa.

Ngayon, tanungin natin ang ating sarili kung natutukso pa ba tayo o tayo na ang kusang umaanyaya sa tukso? Nagkakasala pa ba tayo? Kung oo, si Hesus lamang ang makakatulong sa atin. Kaya sa panahon ngayon ng Kwaresma, ihanda natin ang ating sarili na umiwas sa mga tukso at sa paggawa ng kasalanan sa pamamagitan ng mga biyaya na dulot ni Hesus.

Wednesday, 17 February 2021

MGA KASAGUTAN SA HINDI PA NAITANONG TUNGKOL SA KWARESMA

 

1.     Ang mga nagpa “badlis” o nalagyan ng abo sa noo lang ba ngayong Miyerkules Badlis ang s’yang dapat magbigay ng abuloy, mag-aayuno at umiwas sa ilang uri ng pagkain?

SAGOT: Lahat ng Katoliko na nagpa “badlis” o hindi ay kailangang mag-ayuno at umiwas sa ilang uri ng pagkain simula sa araw ng Miyerkules Badlis maliban sa mga Katolikong hindi nasasaklaw ng kautusang ito. Kung ang mga may “badlis” lang ang mag-aayuno, para na ring sinabi na ang mga lalakeng may asawa lamang ang bawal mambabae. Eh sa totoo lang mali ang paglaruan ang puso ng mga babae kahit pa ang lalakeng gumagawa nito ay binata o may asawa na.

2.   Saan makikita ang kautusang ito?

SAGOT: Mababasa ito sa Code of Canon Law o Kautusan ng Simbahan (Canon 1251) na nagsasabi: Ang pag-iwas sa karne o sa mga ibang pagkain na tinutukoy ng Episcopal Conference, ay dapat sundin sa LAHAT NG BIYERNES, maliban kung ang isang “pyesta solemne” ay nahulog sa araw ng Biyernes. Ang pagpipigil at pag-aayuno ay DAPAT SUNDIN SA MIYERKULES BADLIS at BIYERNES SANTO. Ang itinakdang araw at hindi ang akma ng pag “badlis” o paglalagay ng abo sa noo ang hudyat ng pag-aayuno at pag-iwas sa ilang uri ng pagkain.

3.   Ano ang pinagkaiba ng Katolikong may “badlis” o abo sa noo sa Katolikong hindi nagpa “badlis” kung pareho rin lang naman na dapat sila mag-ayuno at umiwas sa ilang uri ng pagkain?

SAGOT: Ang pag “badlis” o paglagay ng abo sa noo o ‘yon mismong abo sa noo ay itinuturing na “sacramental”. Sa pamamagitan ng “sacramental” pinaghahandaan ng isang Katoliko ang pagtanggap ng kung ano mang biyaya mayroon ang mga banal na sakramento at dagdag pa rito, ang bawat pagkakataon sa kanyang buhay ay ginagawa niyang banal. Gaya na lamang ng pagpabasbas ng sasakyan. Hindi naman kailangan ang “holy water” upang tumakbo ang sasakyan. Pero pinapabasbasan ng Katoliko ang sasakyan upang italaga ito sa Maykapal. Ang gamit na “holy water” ay isang sacramental.

4.   Sino ba at ano ang ginagawa ng isang nag-pafasting (ayuno)?

SAGOT: Ang isang Katoliko na sa gulang na 18 hanggang 59 ay kinakailangan mag-ayuno. Ang pag-aayuno ay ang kumain sa itinakdang araw ng pag-aayuno ng isang “One full meal” at “Two light meals”. Paano ito sinusukat kung “full” o “light”, ang sariling budhi na lang ang makakasagot.

5.    Sino ba at ano ang ginagawa ng isang nag-aabstinence (pag-iwas sa ilang pagkain gaya ng karne)?

SAGOT: Ang isang Katoliko na sa hustong gulang na 14 o higit pa ay kinakailangan umiwas sa pagkain ng karne o sa anumang ipinagbabawal na kainin sa araw na itinalaga ang pag-iiwas nito.

6.   Saan makikita ang mga kautusang ito?

SAGOT: Mababasa ang mga ito sa Code of Canon Law o Kautusan ng Simbahan (Canon 1252) na nagsasabi: Ang batas sa pag-iwas sa uri ng pagkain na ipinagbabawal kainin ay nagbubuklod sa mga nakatapos ng kanilang 14 (age) na taon. Ang batas ng pag-aayuno ay nagbubuklod sa mga nasa wastong gulang (age of majority) hanggang sa simula ng kanilang ikaanimnapung taon.

7.    Kasalanan ba kapag hindi nakapag ayuno o nakaiwas sa pagkain ng karne?

SAGOT: Opo. Dahil may batas na nagsasabi na kinakailangan mag-ayuno o umiwas sa ilang uri ng pagkain ang isang Katoliko, at ang hindi pagsunod sa batas na ito ay nagkakasala. Subalit walang karampatang parusa sa kasalanang ito sapagkat hindi naman tinalakay sa Canon Law kung ano ang parusa dito. Ibig sabihin, nasa budhi na lamang ng bawat isa ang pagsunod nito.

8.   Kasalanang MORTAL (mortal sin) ba kapag nakakain ng karne sa mga araw ng itinakda?

SAGOT: Ang mga araw na itinakda upang ang isang Katoliko ay umiwas sa pagkain ng mga ipinagbabawal ay LAHAT ng Biyernes sa loob ng isang taon at mas lalo na sa Miyerkules Badlis at Biyernes Santo, hindi lamang pag-iiwas sa pagkain kundi ang pag-aayuno rin ay kinakailangang gawin.

Maaaring maging mortal na kasalanan ang hindi pag-aayuno o pag-iiwas kumain ng ipinagbabawal kung ipinagwawalang-bahala ng isang Katoliko ang kautusan ng Simbahan na para bagang hindi siya isang Katoliko at nilalapastangan niya lang ang turo ng Simbahan.

9.   Mabigat bang kasalanan kapag nakakain ng karne ang isang Katoliko lalo na sa mga araw ng Byernes ng Kwaresma?

SAGOT: Maaaring malaking kasalanan kung ituring ang hindi pag-aayuno at pag-iiwas sa ipinagbabawal na kainin sa araw ng Miyerkules Badlis at Biyernes Santo. Pero sa ibang mga araw ng Biyernes, hindi masasabing kasalanan nga ang kumain ng karne. Sa halip na umiwas sa mga ipinagbawal na pagkain, maaaring gumawa na lamang ang isang Katoliko ng ibang pamamaraan ng pagpapakasakit sa sarili (self-denial) na ang katumbas pa rin nito ay ang diwa ng pagsisisi. Kapag walang kapalit na may katumbas na pagsisisi, ang pagkain ng karne ay maaaring ituring na kasalanan.

Mababasa ito sa Code of Canon Law o Kautusan ng Simbahan (Canon 1253) na nagsasabi: Maaaring matukoy ng Episcopal Conference ang mas natatanging mga paraan kung paano dapat isakatuparan ang pag-aayuno at pagpipigil sa pagkain. Sa halip na magpigil o mag-ayuno, maaari itong palitan, sa kabuuan o sa bahagi, ng iba pang mga anyo ng pagsisisi, lalo na sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapwa at ng banal na mga gawain.

10. Nasa Bibliya ba ang mga gawaing ito?

    SAGOT: OPO! Ayon kay San Lucas 9: 23-24: At sinabi ni Hesus sa kanilang lahat, “Ang sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kinakailangan itakwil niya ang kanyang sarili, pasanin araw-araw ang kanyang krus, at sumunod sa akin.”

Saturday, 13 February 2021

Alam na this: Ang Kwaresma

 

“Miyerkules Badlis” na naman. Eh ano ngayon? Taon-taon naman eh mayroong “Miyerkules Badlis” sa simbahan ng mga Katoliko. Buweno, kahit ito ay ginaganap taon-taon, hayaan mo na lang akong ipaalam sa ibang hindi pa nakakaalam na sa araw na tinatawag na Miyerkules Badlis, nagsisimula na ang Kwaresma at sinisimulan ito ng mga Katoliko sa pamamagitan ng paglalagay ng abo sa kanilang noo bilang tanda ng kanilang pagsisisi sa anumang kasalanang nagawa sa Diyos at sa kapwa.

1.     Ano ang “Miyerkules Badlis”?

2.   Ano ang Kwaresma?

Ang Miyerkules Badlis ay iba sa tinatawag natin sa Banga na “Sakramento it Pagbadlis”. Tuwing Miyerkules Badlis, ang “abo” ay ginagamit bilang “sacramental” pero hindi ito isang “sakramento”.

Una, sa Pitong (7) Sakramento na iniwan sa atin ng Panginoong Hesus, hindi kasama ang “Miyerkules Badlis” kundi ang “badlis” na tinutukoy bilang sakramento ay ang pagpapahid ng langis sa maysakit upang ito ay gumaling (Marcos 6:7-13). Pangalawa, ang “badlis” sa Miyerkules Badlis, ang s’yang paglalagay ng abo sa noo, ay nagpapaalala sa atin na kung saan tayo nanggaling at saan tayo babalik –sa alikabok. Samantala, ang “Sakramento it Pagbadlis” kapag natanggap ito at sakaling papalaring mamatay ang maysakit na tumanggap nito, siya ay babalik sa kanyang totoong pinanggalingan –ang Diyos na lumikha sa kanya. Pangatlo, ang “badlis’ sa “Miyerkules Badlis” eh hindi maaaring gawin sa ibang araw. Hindi ito gaya ng “Sakramento it Pagbadlis” na anumang oras na kinakailangan ng maysakit, ang pari ay walang ibang magawa kundi puntahan ang maysakit upang  ibigay ito. Sa huli, ang paglalagay ng abo sa araw ng “Miyerkules Badlis” ay hindi nangangahulugang ang mayroong abo sa noo lang ang umiwas kumain ng karne. Kahit walang abo sa noo kinakailangan pagsisihan ng isang katoliko ang pagkakasala nito. Ang diwa ng pag-aabuloy, pag-aayuno at pag-iiwas sa ilang uri ng pagkain ay ang pagsisisi. Ang abo sa noo ang siyang naging hudyat ng pagsisimula ng pagsisisi na magpapatuloy hanggang sa ika-apatnapung (40th) araw.

Dahil sa “apatnapu” (40) na araw ng pagsisisi, tinawag ang kaganapang ito bilang “Kwaresma” hango sa salitang Latin Quadragesima, na ang ibig sabihin sa atin ay “kwarenta dias” o forty days. Sa totoo lang kahit ang salitang “quarantine” ay tumutukoy sa apatnapung araw o “kwarenta dias” at hindi gaya ng pagkakaalam natin ngayon nang dahil sa COVID 19 na labing-apat (14) na araw lang ang ibinibilang. Sa pagbibilang ng “kwarenta” sa panahon ng kwaresma, hindi isinasama ang mga araw ng Linggo. Ibig sabihin lamang nito na ang pag-aabuloy, pag-aayuno at pag-iiwas sa ilang uri ng pagkain bilang pamamaraan ng pagsisisi ay ginagawa sa loob ng araw ng Kwaresma ngunit hindi kasama dito ang mga araw ng Linggo.

Nasa Bibliya ba ang kwaresma? Nasa Bibliya ba ang paglalagay ng abo? OPO NAMAN!

Ang kwaresma bilang apatnapung araw (40) ng pag-aayuno ay hinango ng mga katoliko sa ginawa ng Panginoon Hesus (Mateo 4:1-11) nang Siya ay nag-aayuno. Apatnapung araw (40 days) din naman ang bibilangin mula sa muling pagkabuhay ni Hesus hanggang Siya ay umakyat ng langit. Kaya ang kwaresma bilang apatnapung araw (40 days) ay nasa Bbliya.

Ang paggamit naman ng abo ay makikita sa Lumang Tipan bilang pagpahiwatig ng pagsisisi (Job 42:6).