Sabado de Gloria –nasa kalagitnaan
ng Mahal na Araw at Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus. Sa gabing ito
magninilay-nilay ang mga katoliko na huwag mawalan ng pag-asa kahit na hindi nila
nauunawaan kung bakit at ano ang nangyayari sa buhay nila.
Ang tunay na pag-asa ay galing sa
muling pagkabuhay ni Hesus. Ang sabi nga sa Corinto 15:17, “Kung hindi muling
binuhay si Hesus, walang kabuluhan ang inyong pananampalataya at kayo’y nasa
inyong mga kasalanan pa”.
Kaya’t magsisimula ang mga
kaganapan sa Simbahan sa gabing ito na may bagong apoy na nagbibigay liwanag sa
lahat. At ang liwanag ng tao ay di lamang galing sa apoy kundi sa Salita ng
Diyos. Pagkatapos makita ng mga mata ang liwanag at marinig ng mga tenga ang
Salita ng Diyos, tatanggapin ng mga Katoliko ang bagong hininga ng buhay sa
pagpapanibago nila ng kanilang panata sa kanilang binyag at pagtanggap sa
Katawan ni Hesus na nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Lahat ng ito ay mga
gawaing nagpapahiwatig ng pag-asa ng tao na makikita lamang sa Diyos. Mainam na
sa gabing ito ay nakasuot ng puting damit ang mga katoliko upang ipagdiwang ang
bagong buhay nila kay Hesus na muling nabuhay. Happy Easter!
No comments:
Post a Comment